Lucas 2:1-5
Lucas 2:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na.
Lucas 2:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa mga panahong iyon, ang Emperador ng Roma na si Augusto ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mamamayan ng bansang nasasakupan niya. (Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Cirenio ang gobernador ng lalawigan ng Siria.) Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista. Dahil si Jose ay nagmula sa angkan ni Haring David, naglakbay siya mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at umuwi sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea, sa bayang sinilangan ni David. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak.
Lucas 2:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan. Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria. At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan. At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David; Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.
Lucas 2:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Siria. Kaya't umuwi ang bawat isa sa sari-sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, isang lunsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay kabuwanan na.
Lucas 2:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)