Lucas 18:35-42
Lucas 18:35-42 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang malapit na si Jesus sa Jerico; may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya. At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya. At sinabi ni Jesus, “Mangyayari ang nais mo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Lucas 18:35-42 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang malapit na sina Jesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Nang marinig niya ang maraming taong nagdaraan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. Sinabi sa kanya ng mga tao, “Dumadaan si Jesus na taga-Nazaret.” Sumigaw ang bulag, “Jesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!” Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, maawa po kayo sa akin!” Tumigil si Jesus at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Nang makalapit ang bulag, tinanong niya ito, “Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?” Sumagot ang bulag, “Panginoon, gusto ko pong makakita!” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Makakita ka na! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Lucas 18:35-42 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos: At pagkarinig na nagdaraan ang maraming tao, ay itinanong niya kung ano ang ibig sabihin noon. At sinabi nila sa kaniya, na nagdaraan si Jesus na taga Nazaret. At siya'y nagsisigaw, na sinasabi, Jesus, ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. At siya'y sinaway ng nangasa unahan, upang siya'y tumahimik: datapuwa't siya'y lalong nagsisigaw, Ikaw na anak ni David, mahabag ka sa akin. At si Jesus ay tumigil, at ipinagutos na dalhin siya sa kaniya: at nang mailapit siya, ay itinanong niya sa kaniya, Anong ibig mo na sa iyo'y gawin ko? At sinabi niya, Panginoon, na tanggapin ko ang aking paningin. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Tanggapin mo ang iyong paningin: pinagaling ka ng pananampalataya mo.
Lucas 18:35-42 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang malapit na si Jesus sa Jerico; may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at nagpapalimos. Nang marinig niyang nagdaraan ang maraming tao, itinanong niya kung ano ang nangyayari. “Nagdaraan si Jesus na taga-Nazaret,” sabi nila sa kanya. At siya'y sumigaw, “Jesus, Anak ni David! Mahabag po kayo sa akin!” Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!” Tumigil si Jesus at ipinatawag ang bulag. Paglapit ng bulag ay tinanong siya ni Jesus, “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” “Panginoon, gusto ko po sanang makakitang muli,” sagot niya. At sinabi ni Jesus, “Mangyayari ang nais mo! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”
Lucas 18:35-42 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)