Lucas 17:15-17
Lucas 17:15-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano. “Hindi ba't sampu ang aking pinagaling at nilinis?” tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam?
Lucas 17:15-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Jesus at nagsisigaw ng papuri sa Dios. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano. Sinabi ni Jesus, “Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan ang siyam?
Lucas 17:15-17 Ang Biblia (TLAB)
At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig; At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano. At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam?
Lucas 17:15-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mapuna ng isa na siya'y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito'y isang Samaritano. “Hindi ba't sampu ang aking pinagaling at nilinis?” tanong ni Jesus. “Nasaan ang siyam?
Lucas 17:15-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)