Lucas 13:10-13
Lucas 13:10-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagtuturo sa isang sinagoga. May isang babae roon na labing-walong taon nang may karamdamang sanhi ng isang masamang espiritu. Siya'y nakukuba at hindi na makaunat. Nang siya'y makita ni Jesus, tinawag siya at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman.” Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa babae, at noon di'y naibalik ang dati niyang postura at nagsimula siyang magpuri sa Diyos.
Lucas 13:10-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Isang Araw ng Pamamahinga, habang nagtuturo si Hesus sa isa sa mga sinagoga, may isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman dahil sa ginawa sa kanya ng masamang espiritu. Baluktot ang katawan niya at hindi siya makatayo nang tuwid. Nang makita siya ni Hesus, tinawag siya at sinabi, “Babae, malaya ka na sa sakit mo.” Pagkatapos, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Diyos.
Lucas 13:10-13 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath. At narito, ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan. At nang siya'y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit. At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya'y naunat, at niluwalhati niya ang Dios.
Lucas 13:10-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagtuturo sa isang sinagoga. May isang babae roon na labing-walong taon nang may karamdamang sanhi ng isang masamang espiritu. Siya'y nakukuba at hindi na makaunat. Nang siya'y makita ni Jesus, tinawag siya at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman.” Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa babae, at noon di'y naibalik ang dati niyang postura at nagsimula siyang magpuri sa Diyos.
Lucas 13:10-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)