Lucas 12:2-3
Lucas 12:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.
Lucas 12:2-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Walang natatago na hindi malalantad, at walang nalilihim na hindi mabubunyag. Kaya anumang sabihin ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag, at anumang ibulong ninyo sa loob ng kwarto ay malalaman ng lahat.”
Lucas 12:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman. Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.
Lucas 12:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.
Lucas 12:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)