Levitico 11:44-45
Levitico 11:43-45 Ang Salita ng Dios (ASND)
Huwag ninyong dudungisan ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkain ng alinman sa mga ito, dahil ako ang PANGINOON na inyong Dios. Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at kayoʼy magpakabanal dahil akoʼy banal. Ako ang PANGINOON na naglabas sa inyo sa Egipto para akoʼy maging Dios ninyo. Kaya dapat kayong mamuhay nang banal dahil akoʼy banal.
Levitico 11:44-45 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal. Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging Diyos ninyo. Dapat kayong maging banal sapagkat ako'y banal.”
Levitico 11:44-45 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka't ako'y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. Sapagka't ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako'y inyong maging Dios: kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal.
Levitico 11:44-45 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili, sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay banal. Ako ang naglabas sa inyo sa Egipto upang maging Diyos ninyo. Dapat kayong maging banal sapagkat ako'y banal.”
Levitico 11:44-45 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)