Mga Panaghoy 3:25-28
Mga Panaghoy 3:25-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON. Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang sumunod. Kapag tinuturuan tayo ng PANGINOON, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti.
Mga Panaghoy 3:25-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay
Mga Panaghoy 3:25-28 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan. Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
Mga Panaghoy 3:25-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay
Mga Panaghoy 3:25-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)