Mga Panaghoy 3:22-26
Mga Panaghoy 3:22-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON.
Mga Panaghoy 3:22-26 Ang Biblia (TLAB)
Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon.
Mga Panaghoy 3:22-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala.
Mga Panaghoy 3:22-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala.
Mga Panaghoy 3:22-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)