Mga Panaghoy 1:1-12
Mga Panaghoy 1:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod! Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na. Ang mga taga-Juda'y nabihag at dumanas ng kalungkutan at sapilitang paglilingkod. Sa pananahanan nila sa gitna ng mga bansa'y hindi man lamang sila makapagpahinga. Napapaligiran sila ng mga kaaway, walang paraan para makatakas. Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan. Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari, pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya! Naging panginoon niya ang kanyang mga kaaway, pinapaghirap siya ni Yahweh dahil sa marami niyang kasalanan. Wala na ang kanyang mga anak, sila'y dinalang-bihag ng kaaway. Naparam na ang karangyaan ng Jerusalem. Ang kanyang mga pinuno'y parang mga usang di makasumpong ng pastulan; nanghihina na sa pag-iwas sa mga humahabol sa kanila. Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan. Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay; nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila. Mabigat ang nagawang kasalanan ng Jerusalem, kaya't siya'y naging katatawanan; itinatakwil na siya ng mga pumupuri noon sa kanya. Sa matinding kahihiyan mukha'y tinakpan, sa isang sulok nanaghoy na lamang. Ang kanyang karumhan ay di maikakaila, malagim ang kanyang pagbagsak at wala man lamang umaliw sa kanya. Nagtagumpay ang kanyang mga kaaway at siya'y dumulog kay Yahweh. Sinamsam ng mga kaaway ang lahat niyang kayamanan; ang mga di-dapat pumasok na mga taga-ibang bayan, ang banal na Templo'y kanilang nilapastangan. Dumaraing ang lahat ng kanyang mamamayan sa paghahanap ng pagkain; ipinagpapalit nila ng pagkain ang kanilang mga kayamanan para lamang mabuhay. “Yahweh, masdan po ninyo kami. Mahabag ka sa aming kalagayan!” “Wala ba kayong pakialam, mga nagdaraan? Hirap na ganito'y inyo na bang naranasan? Ito'y parusa ni Yahweh dahil sa kanyang matinding poot.

Mga Panaghoy 1:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao. Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo, ngayoʼy tulad ng isang biyuda. Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod, ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad. Buong pait siyang umiiyak magdamag. Mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya, isa man sa kanyang mga minamahal. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaibigan niya, na ngayoʼy kanyang kaaway. Lubhang pinahirapan ang Juda at ang mga mamamayan niyaʼy binihag. Doon na sila nakatira sa ibang bansa kung saan hindi sila makapagpahinga. Tinugis sila ng kanilang mga kaaway hanggang hindi na sila makatakas. Ang mga daan patungo sa Jerusalem ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga takdang pista. Sa mga pintuang bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem. Pinamunuan sila ng kanilang mga kaaway, at yumaman ang mga ito. Sapagkat pinahirapan ng PANGINOON ang Jerusalem dahil napakarami nitong kasalanan. Ang kanyang mga mamamayan ay binihag ng mga kaaway. Ang kagandahan ng Jerusalem ay naglaho na. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga gutom na usa na naghahanap ng pastulan. Silaʼy nanghihina na habang tumatakas sa mga tumutugis sa kanila. Ngayong ang Jerusalem ay nagdadalamhati at naguguluhan, naalala niya ang lahat ng dati niyang yaman. Nang mahulog siya sa kamay ng mga kaaway niya, walang sinumang tumulong sa kanya. At nang siyaʼy bumagsak, kinutyaʼt tinawanan pa siya ng mga kaaway niya. Napakalaki ng kasalanan ng Jerusalem, kaya naging marumi siya. Ang lahat ng pumupuri noon sa kanya ngayoʼy hinahamak na siya, dahil nakita nila ang kanyang kahihiyan. Sa hiya ay napadaing siya at tumalikod. Nahayag sa lahat ang kanyang karumihan, at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan. Malagim ang kanyang naging pagbagsak, at walang sinumang tumutulong sa kanya. Kaya sinabi niya, “O PANGINOON tingnan nʼyo po ang aking paghihirap, dahil tinalo ako ng aking mga kaaway.” Kinuha ng mga kaaway ang lahat ng kayamanan niya. Sa temploʼy nakita niyang pumapasok ang mga taong hindi pinahihintulutan ng PANGINOON na pumasok doon. Ang mga mamamayan niyaʼy dumadaing habang naghahanap ng pagkain. Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamanan para sa pagkain upang mabuhay. Sinabi ng Jerusalem, “O PANGINOON, pagmasdan nʼyo ako dahil akoʼy nasa kahihiyan.” Sinabi rin niya sa mga dumaraan, “Balewala lang ba ito sa inyo? May nakita ba kayong naghirap na kagaya ko? Ang paghihirap na ito ay ipinataw sa akin ng PANGINOON nang magalit siya sa akin.
Mga Panaghoy 1:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway. Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit. Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan. Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban. At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, at nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol. Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira. Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod. Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki. Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan. Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak. Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
Mga Panaghoy 1:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod! Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan; lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya. Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na. Ang mga taga-Juda'y nabihag at dumanas ng kalungkutan at sapilitang paglilingkod. Sa pananahanan nila sa gitna ng mga bansa'y hindi man lamang sila makapagpahinga. Napapaligiran sila ng mga kaaway, walang paraan para makatakas. Malungkot ang mga landas patungong Jerusalem, pagkat wala nang dumadalo sa kanyang mga takdang kapistahan. Wala nang nagdaraan sa kanyang mga pintuang-bayan; dumaraing at nagbubuntong-hininga ang kanyang mga pari, pinagmamalupitan ang mga dalagang mang-aawit sa templo. Napakapait ng sinapit niya! Naging panginoon niya ang kanyang mga kaaway, pinapaghirap siya ni Yahweh dahil sa marami niyang kasalanan. Wala na ang kanyang mga anak, sila'y dinalang-bihag ng kaaway. Naparam na ang karangyaan ng Jerusalem. Ang kanyang mga pinuno'y parang mga usang di makasumpong ng pastulan; nanghihina na sa pag-iwas sa mga humahabol sa kanila. Ngayong ang mga taga-Jerusalem ay nasa panahon ng pagdadalamhati at paggala, nagugunita nila ang maliligayang araw na nagdaan. Nang mahulog sila sa kamay ng kaaway ay walang sinumang sa kanila'y umalalay; nang sila'y bumagsak, sila'y kinutya ng mga sumakop sa kanila. Mabigat ang nagawang kasalanan ng Jerusalem, kaya't siya'y naging katatawanan; itinatakwil na siya ng mga pumupuri noon sa kanya. Sa matinding kahihiyan mukha'y tinakpan, sa isang sulok nanaghoy na lamang. Ang kanyang karumhan ay di maikakaila, malagim ang kanyang pagbagsak at wala man lamang umaliw sa kanya. Nagtagumpay ang kanyang mga kaaway at siya'y dumulog kay Yahweh. Sinamsam ng mga kaaway ang lahat niyang kayamanan; ang mga di-dapat pumasok na mga taga-ibang bayan, ang banal na Templo'y kanilang nilapastangan. Dumaraing ang lahat ng kanyang mamamayan sa paghahanap ng pagkain; ipinagpapalit nila ng pagkain ang kanilang mga kayamanan para lamang mabuhay. “Yahweh, masdan po ninyo kami. Mahabag ka sa aming kalagayan!” “Wala ba kayong pakialam, mga nagdaraan? Hirap na ganito'y inyo na bang naranasan? Ito'y parusa ni Yahweh dahil sa kanyang matinding poot.
Mga Panaghoy 1:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis! Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; Sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: Ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway. Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; Siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; Inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit. Ang mga daan ng Sion ay nangagluluksa, sapagka't walang pumaparoon sa takdang kapulungan; Lahat niyang pintuang-bayan ay giba, ang mga saserdote niya'y nangagbubuntong-hininga: Ang mga dalaga niya ay nangagdadalamhati, at siya'y nasa kahapisan. Ang kaniyang mga kalaban ay naging pangulo, ang kaniyang mga kaaway ay nagsiginhawa; Sapagka't pinagdalamhati siya ng Panginoon dahil sa karamihan ng kaniyang mga pagsalangsang: Ang kaniyang mga batang anak ay pumasok sa pagkabihag sa harap ng kalaban. At nawala ang buong kamahalan ng anak na babae ng Sion: Ang kaniyang mga prinsipe ay naging parang mga usa na hindi makasumpong ng pastulan, At nagsiyaong walang lakas sa harap ng manghahabol. Naaalaala ng Jerusalem sa kaarawan ng kaniyang pagdadalamhati at ng kaniyang mga karalitaan ang lahat niyang naging maligayang bagay ng mga kaarawan nang una: Nang mahulog ang kaniyang bayan sa kamay ng kalaban, at walang sumaklolo sa kaniya, Nakita siya ng mga kalaban, tinuya nila ang kaniyang mga pagkasira. Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; Lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod. Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; Kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; Masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki. Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; Sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, Yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan. Buong bayan niya ay nagbubuntong-hininga, sila'y nagsisihanap ng tinapay; Ibinigay nila ang kanilang mga maligayang bagay na kapalit ng pagkain upang paginhawahin ang kaluluwa. Iyong tingnan, Oh Panginoon, at masdan mo; sapagka't ako'y naging hamak. Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, Na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.