Mga Panaghoy 1:1
Mga Panaghoy 1:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O anong lungkot ng lunsod na dating matao! Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo; siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod!
Mga Panaghoy 1:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao. Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo, ngayoʼy tulad ng isang biyuda. Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod, ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad.
Mga Panaghoy 1:1 Ang Biblia (TLAB)
Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!