Judas 1:22-23
Judas 1:22-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaawaan ninyo ang mga nag-aalinlangan. Agawin ninyo ang mga hahatulan sa apoy ng paghuhukom. Ang iba nama'y kaawaan ninyo nang may halong pag-iingat; kasuklaman ninyo kahit ang mga damit nilang nadumihan dahil sa kahalayan.
Judas 1:22-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Maawa kayo sa mga nag-aalinlangan. Tulungan ninyo ang iba na maligtas sa kaparusahan, na para bang nagliligtas kayo ng isang bagay na masusunog na. Maawa kayo kahit sa mga taong napakasama, pero mag-ingat kayo sa masasama nilang gawa. Kasuklaman ninyo kahit na ang damit nilang nadumihan ng kasamaan nila.
Judas 1:22-23 Ang Biblia (TLAB)
At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan; At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.
Judas 1:22-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)