Judas 1:1-3
Judas 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Judas, alipin ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago— Para sa mga tinawag ng Diyos, mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at sa pag-iingat ni Jesu-Cristo. Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig. Mga minamahal, ang nais ko sanang isulat sa inyo'y ang tungkol sa kaligtasang tinatamasa nating lahat, ngunit nakita kong ang kailangang isulat sa inyo'y isang panawagan na inyong panindigan ang pananampalatayang ipinagkaloob minsan at magpakailanman sa mga banal
Judas 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula kay Judas na alipin ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago. Mahal kong mga pinili ng Dios Ama na maging kanya, na minamahal niya at iniingatan ni Jesu-Cristo: Sumainyo nawa ang higit pang awa, kapayapaan, at pag-ibig mula sa Dios. Mga minamahal, gustong-gusto ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, pero naisip ko na mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang manindigan sa mga aral ng ating pananampalataya. Ang mga aral na ito ay ipinagkatiwala ng Dios sa mga pinabanal niya, at hindi dapat baguhin.
Judas 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Si Judas, na alipin ni Jesucristo, at kapatid ni Santiago, sa mga tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at iniingatang para kay Jesucristo: Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin. Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.
Judas 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Judas, alipin ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago— Para sa mga tinawag ng Diyos, mga namumuhay sa pag-ibig ng Diyos Ama at sa pag-iingat ni Jesu-Cristo. Sumagana nawa sa inyo ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig. Mga minamahal, ang nais ko sanang isulat sa inyo'y ang tungkol sa kaligtasang tinatamasa nating lahat, ngunit nakita kong ang kailangang isulat sa inyo'y isang panawagan na inyong panindigan ang pananampalatayang ipinagkaloob minsan at magpakailanman sa mga banal
Judas 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)