Jonas 2:1-2
Jonas 2:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito: “Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.
Jonas 2:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nanalangin si Jonas sa PANGINOON na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. Sinabi niya, “PANGINOON, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo, at sinagot nʼyo ako. Sa bingit ng kamatayan, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinakinggan nʼyo ako.
Jonas 2:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda. At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.
Jonas 2:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito: “Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.
Jonas 2:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)