Job 8:8-9
Job 8:8-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Tanungin mo ang mga matatanda. Alamin mo kung ano ang natutunan ng kanilang mga ninuno. Sapagkat parang kailan lang tayo ipinanganak at kaunti lang ang ating nalalaman, at ang mga araw natin dito sa mundo ay tulad ng anino na hindi nagtatagal.
Job 8:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Alamin mo ang mga nagdaang kasaysayan, itanong sa matatanda ang kaalamang natuklasan. Buhay nati'y maikli lang, at kaalaman nati'y kulang; parang anino lamang tayong dumaan sa ibabaw ng sanlibutan.
Job 8:8-9 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang: (Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:)