Job 5:7-27
Job 5:7-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao, kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog. Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan, mga kababalaghan niya ay walang katapusan. Ang lupa'y pinadadalhan niya ng ulan, mga bukiri'y kanyang pinatutubigan. Ang nagpapakumbabá ay kanyang itinataas, ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas. Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira, kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala. Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag, kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas. Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian. Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila, iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha. Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama. “Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam. Ginagamot niya ang kanyang nasugatan, pinapagaling niya ang kanyang nasaktan. Sa tuwi-tuwina, paningin niya'y nasa iyo, upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo. Sa panahon ng taggutom, di ka niya pababayaan, at kung sa digmaan ay hindi ka niya iiwan. Ililigtas ka niya sa dilang mapanira, at di ka matatakot sa kapahamakan. Kaguluhan at taggutom, iyo lamang tatawanan, at mababangis na hayop, hindi mo katatakutan. Walang mga bato sa bukid na iyong sasakahin, maiilap na hayop, di ka lalapain. Magiging ligtas ang iyong tahanan, at ang iyong mga kawan ay hindi mababawasan. Ang lahi mo ay di mapipigil sa paglaki; tulad ng damo, ang mga supling mo ay darami. Tatamasahin mo ang mahabang buhay, katulad ng bungang nahinog sa panahon ng anihan. Ang mga ito'y aming matagal na pinag-aralan, pakinggan mo't alamin pagkat ito'y katotohanan.”
Job 5:7-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
Likas sa tao ang gumawa ng kahirapan at kaguluhan, tulad ng alipatong mula sa apoy na lumilipad paitaas. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Dios. Sasabihin ko sa kanya ang aking kalagayan. Sapagkat gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain o bilangin. Nagpapadala siya ng ulan sa mundo at pinatutubigan niya ang mga bukirin. Itinataas niya ang mga nagpapakumbaba at kinakalinga ang mga nagdadalamhati. Sinisira niya ang plano ng mga mandaraya, para hindi sila magtagumpay. Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan, at hinahadlangan ang plano ng mga mandaraya. Hindi sila nakakakita kahit maliwanag, at nangangapa sila na parang gabi kahit na katanghalian. Inililigtas ng Dios ang mga dukha mula sa kamatayan at sa mga taong makapangyarihan na umaapi sa kanila. Kaya may pag-asa ang mga dukha, pero ang masasama ay kanyang sinasaway. “Mapalad ang taong itinutuwid ng Dios ang pag-uugali. Kaya huwag mong mamasamain ang pagtutuwid ng Makapangyarihang Dios sa iyo. Sapagkat ang kanyang mga sinusugatan ay kanya ring ginagamot, at ang kanyang sinasaktan ay kanya ring pinagagaling. Palagi ka niyang ililigtas sa mga salot at panganib. Ililigtas ka niya sa kamatayan sa panahon ng taggutom at digmaan. Iingatan ka niya kung sisiraan ka ng iba, at wala kang katatakutan kung dumating man ang kapahamakan. Ang taggutom at kapahamakan ay iyong tatawanan at hindi ka matatakot sa mababangis na hayop, sapagkat hindi ka gagalawin ng mga ito. At hindi ka na mahihirapang magtanim sa bukid mong mabato. Mamumuhay ng payapa ang sambahayan mo at walang mawawala sa iyong mga hayop. Dadami ang iyong angkan na parang kasindami ng mga damo sa lupa. Hahaba ang buhay mo at hindi ka mamamatay nang hindi sa tamang panahon. Ayon sa aming nalaman at naranasan, napatunayan namin na talagang totoo ang lahat ng ito. Kaya dinggin mo ito at isabuhay para sa ikabubuti mo.”
Job 5:7-27 Ang Biblia (TLAB)
Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas. Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap: Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang: Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid; Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan. Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala. Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara. Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi. Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas. Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig. Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat. Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay. Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo. Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak. Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating. Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa. Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo. At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman. Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa. Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan. Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.
Job 5:7-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao, kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan. “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog. Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan, mga kababalaghan niya ay walang katapusan. Ang lupa'y pinadadalhan niya ng ulan, mga bukiri'y kanyang pinatutubigan. Ang nagpapakumbabá ay kanyang itinataas, ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas. Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira, kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala. Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag, kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas. Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian. Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila, iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha. Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama. “Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan, ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam. Ginagamot niya ang kanyang nasugatan, pinapagaling niya ang kanyang nasaktan. Sa tuwi-tuwina, paningin niya'y nasa iyo, upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo. Sa panahon ng taggutom, di ka niya pababayaan, at kung sa digmaan ay hindi ka niya iiwan. Ililigtas ka niya sa dilang mapanira, at di ka matatakot sa kapahamakan. Kaguluhan at taggutom, iyo lamang tatawanan, at mababangis na hayop, hindi mo katatakutan. Walang mga bato sa bukid na iyong sasakahin, maiilap na hayop, di ka lalapain. Magiging ligtas ang iyong tahanan, at ang iyong mga kawan ay hindi mababawasan. Ang lahi mo ay di mapipigil sa paglaki; tulad ng damo, ang mga supling mo ay darami. Tatamasahin mo ang mahabang buhay, katulad ng bungang nahinog sa panahon ng anihan. Ang mga ito'y aming matagal na pinag-aralan, pakinggan mo't alamin pagkat ito'y katotohanan.”
Job 5:7-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas. Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap: Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang: Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid; Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan. Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala. Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: At ang payo ng suwail ay napapariwara. Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi. Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas. Na anopa't ang dukha ay may pagasa, At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig. Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: Kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat. Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay. Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo. Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak. Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating. Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa. Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo. At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman. Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa. Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan. Narito, aming siniyasat, at gayon nga; Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.