Job 42:1-6
Job 42:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh: “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin. Itinatanong ninyo, ‘Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan. Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin, at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin. Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata. Kaya ako ngayon ay nagsisisi, ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo.”
Job 42:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Job sa PANGINOON, “Alam ko pong magagawa nʼyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyo. Ako poʼy tinanong nʼyo kung bakit ako nag-aalinlangan sa inyong karunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na sa hindi ko lubos maunawaan. “Nakipag-usap po kayo sa akin at sinabi nʼyong makinig ako sa inyo at sagutin ko ang mga tanong ninyo. Noon ay naririnig ko lang po sa iba ang tungkol sa inyo, pero ngayon ay nakita ko na kayo. Kaya ako ay nahihiya sa lahat ng sinabi ko tungkol sa inyo, ako po ngayon ay nagsisisi sa pamamagitan ng pag-upo sa abo at alikabok.”
Job 42:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita; ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata, Kaya't ako'y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.
Job 42:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito naman ang sagot ni Job kay Yahweh: “Alam kong ang lahat ng bagay ay kaya ninyong gawin, at walang makakapigil sa lahat ng inyong balakin. Itinatanong ninyo, ‘Sino akong nangahas na kayo'y pag-alinlanganan gayong ako nama'y walang nalalaman?’ Nagsalita ako ng mga bagay na di ko nauunawaan, ng mga hiwagang di abot ng aking isipan. Sinabi ninyong papakinggan ko ang iyong sasabihin, at ang iyong mga tanong ay aking sasagutin. Noo'y nakilala ko kayo dahil sa sinabi ng iba, subalit ngayo'y nakita ko kayo ng sarili kong mga mata. Kaya ako ngayon ay nagsisisi, ikinahihiya lahat ng sinabi, sa alabok at abo, ako ay nakaupo.”
Job 42:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, At wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauuunawa, Mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako'y magsasalita; Ako'y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; Nguni't ngayo'y nakikita ka ng aking mata, Kaya't ako'y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako Sa alabok at mga abo.