Job 38:31-33
Job 38:31-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper? Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig?
Job 38:31-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Kaya mo bang talian o kalagan ng tali ang grupo ng mga bituin na tinatawag na Pleyades at Orion? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin na lumabas sa tamang oras? Maituturo mo ba sa grupo ng mga bituing tinatawag na Malaki at Maliit na Oso ang kanilang daan? Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa kalangitan? Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa mundo?
Job 38:31-33 Ang Biblia (TLAB)
Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
Job 38:31-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper? Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig?
Job 38:31-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, O makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?