Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 28:1-22

Job 28:1-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay. Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa, at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha. Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman, ginagalugad pati ang kailaliman upang humukay ng batong yaman. Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan na hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay, nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan. Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain, ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim. Nasa mga bato ang mga safiro, nasa alabok naman ang gintong puro. Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin, kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin. Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis, hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik. “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas, pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag. Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan, mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan. Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton, at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon. Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.

Job 28:1-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

“May mga minahan kung saan matatagpuan ang pilak at may mga lugar kung saan dinadalisay ang ginto. Ang bakal ay nakukuha mula sa lupa, at ang tanso ay tinutunaw mula sa mga bato. Gumagamit ng ilaw ang mga tao para madaig nila ang kadiliman sa kanilang paghuhukay sa kailaliman ng lupa. Humuhukay sila ng daanan sa minahan, sa dakong walang taong nakatira at dumadaan. Bumababa sila sa pamamagitan ng mga nakalaylay na lubid. Sa ibabaw ng lupa tumutubo ang mga tanim kung saan nagmumula ang pagkain, pero sa ilalim ay parang dinaanan ng apoy. Ang mga bato roon ay may mga safiro at ang mga alikabok ay may ginto. Ang mga daan patungo roon ay hindi makita ng mga ibon, kahit ng ibong mandaragit. Hindi rin ito nadaanan ng mga mababangis na hayop o ng leon. Hinuhukay ng mga tao kahit na ang pinakamatigas na bato sa ilalim ng bundok. Hinuhukay nila ang bundok para hanapin ang ibaʼt ibang uri ng mamahaling bato. Hinahanap din nila ang mga ito sa mga ilog. “Pero saan nga ba matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? Hindi alam ng tao kung saan ito matatagpuan. Hindi ito matatagpuan dito sa lupa. Hindi rin ito matatagpuan sa ilalim ng dagat. Hindi rin ito nabibili ng purong ginto o pilak. Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto o ng alin mang mamahaling bato gaya ng onix o safiro. Higit pa ito sa ginto o kristal. Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas. Ang halaga nitoʼy higit pa sa koral, jasper, o rubi. Hindi ito mapapantayan ng mamahaling batong topaz na mula sa Etiopia at hindi rin mababayaran ng purong ginto. “Kaya saan matatagpuan ang karunungan at pang-unawa? Walang nilalang na makakakita nito kahit na ang mga ibon. Kahit na ang lugar ng kapahamakan na siyang lugar ng mga patay, sabi-sabi lang ang kanilang nalaman tungkol dito.

Job 28:1-22 Ang Biblia (TLAB)

Tunay na may mina na mayroong pilak, at dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. Bakal ay hinuhukay sa lupa, at tanso ay binububo mula sa bato. Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, at sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman. Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: nililimot ng paa na dumadaan nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito. Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: at sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy. Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto. Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon: Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon, Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok. Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; at ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay. Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; at ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag. Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay. Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: at sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin. Hindi mabibili ng ginto, ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon. Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, ng mahalagang onix, o ng zafiro. Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto. Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi. Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto. Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, at natatago sa mga ibon sa himpapawid. Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.

Job 28:1-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay, at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay. Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa, at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha. Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman, ginagalugad pati ang kailaliman upang humukay ng batong yaman. Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukan na hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay, nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan. Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain, ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim. Nasa mga bato ang mga safiro, nasa alabok naman ang gintong puro. Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin, kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin. Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis, hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik. “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas, pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag. Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan, mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan. Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton, at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon. Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan; wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay. Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’ Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan. Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad, hindi ito makukuha palitan man ng pilak. Ang pinakamahal na ginto at alahas, sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas. Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan, mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan. Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral, higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal. Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay, at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay. “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan? At ang pang-unawa, saan kaya matututunan? Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang, mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw. Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayan ay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.

Job 28:1-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Tunay na may mina na mayroong pilak, At dako na ukol sa ginto na kanilang pinagdadalisayan. Bakal ay hinuhukay sa lupa, At tanso ay binububo mula sa bato. Ang tao'y naglalagay ng wakas sa kadiliman, At sumisiyasat hanggang sa kalayulayuang hangganan Ng mga bato ng kadiliman at salimuot na kadiliman. Siya'y humuhukay ng malayo sa tinatahanan ng mga tao: Nililimot ng paa na dumadaan; Nagbibitin doong malayo sa mga tao, sila'y umuugoy na paroo't parito. Tungkol sa lupa, mula rito'y nanggagaling ang tinapay: At sa ilalim ay wari tinutuklap ng apoy. Ang mga bato nito'y kinaroroonan ng mga zafiro. At ito'y may alabok na ginto. Yaong landas na walang ibong mangdadagit ay nakakaalam. Ni nakita man ng mata ng falkon: Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, Ni naraanan man ng mabangis na leon, Kaniyang inilalabas ang kaniyang kamay sa batong pingkian; Binabaligtad ng mga ugat ang mga bundok. Siya'y nagbabangbang sa gitna ng mga bato; At ang kaniyang mata ay nakakakita ng bawa't mahalagang bagay. Kaniyang tinatalian ang mga lagaslas upang huwag umagos; At ang bagay na nakukubli ay inililitaw niya sa liwanag. Nguni't saan masusumpungan ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Hindi nalalaman ng tao ang halaga niyaon; Ni nasusumpungan man sa lupain ng may buhay. Sinasabi ng kalaliman. Wala sa akin: At sinasabi ng dagat: Hindi sumasaakin. Hindi mabibili ng ginto, Ni matitimbangan man ng pilak ang halaga niyaon. Hindi mahahalagahan ng ginto sa Ophir, Ng mahalagang onix, o ng zafiro. Ginto at salamin ay hindi maihahalintulad doon: Ni maipagpapalit man sa mga hiyas na dalisay na ginto. Hindi mabibilang ang coral o ang cristal; Oo, ang halaga ng karunungan ay higit sa mga rubi. Ang topacio sa Etiopia ay hindi maipapantay doon, Ni mahahalagahan man ng dalisay na ginto. Saan nanggagaling nga ang karunungan? At saan naroon ang dako ng pagkaunawa? Palibhasa't nakukubli sa mga mata ng lahat na may buhay, At natatago sa mga ibon sa himpapawid. Ang kapahamakan at ang kamatayan ay nagsasabi, Narinig namin ng aming mga pakinig ang bulungbulungan niyaon.