Job 22:25-27
Job 22:25-27 Ang Biblia (TLAB)
At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo. Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios. Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.
Job 22:25-27 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang Diyos na Makapangyarihan ang ituring mong yaman, na siyang ginto't pilak na iyong papahalagahan. Sa Makapangyarihang Diyos ka palaging magtiwala, at ang Maykapal ang pagkukunan mo ng tuwa. Papakinggan niya ang iyong panalangin, kaya't ang mga panata mo ay iyong tuparin.
Job 22:25-27 Ang Salita ng Dios (ASND)
At ang Dios na Makapangyarihan ang ituring mong ginto at mamahaling pilak. At saka mo matatagpuan ang kaligayahang nagmumula sa Makapangyarihang Dios, at hindi ka mahihiyang lumapit sa kanya. Manalangin ka sa kanya at didinggin ka niya. Tuparin mo ang iyong mga pangako sa kanya.
Job 22:25-27 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang Diyos na Makapangyarihan ang ituring mong yaman, na siyang ginto't pilak na iyong papahalagahan. Sa Makapangyarihang Diyos ka palaging magtiwala, at ang Maykapal ang pagkukunan mo ng tuwa. Papakinggan niya ang iyong panalangin, kaya't ang mga panata mo ay iyong tuparin.
Job 22:25-27 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, At mahalagang pilak sa iyo. Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, At iyong itataas ang iyong mukha sa Dios. Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: At iyong babayaran ang iyong mga panata.