Job 11:2-6
Job 11:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Hindi dapat palampasin itong mga sinabi mo. Hindi mapapatunayan ng isang tao na wala siyang kasalanan sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita. Sa tingin mo baʼy mapapatahimik kami ng mga sinasabi mong walang saysay? Akala mo baʼy hindi ka namin sasawayin sa iyong panunuya? Sinasabi mong tama ang iyong paniniwala at matuwid ka sa paningin ng Dios. Magsalita sana ang Dios laban sa iyo, at sabihin sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa alam. May mga bagay na alam mo na at may mga bagay ding hindi mo pa alam. Alam mo bang ang parusa ng Dios sa iyo ay kulang pa sa nararapat sa iyo?
Job 11:2-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Palalampasin na lang ba ang napakarami mong sinabi? Tama ba ang isang tao kapag ito ay maraming salita? Akala mo ba'y di masasagot ang mga sinabi mo, at sa iyong pangungutya, kami'y di na makapagsasalita? Ipinipilit mong tama ang iyong paniniwala, at sa harap ng Diyos ika'y malinis na lubos. Magsalita sana ang Diyos upang ika'y masagot. Upang masabi sa iyo ang mga lihim ng karunungan, sapagkat napakalalim ng kanyang kaalaman, parusa nga niya sa iyo'y mas maliit kaysa iyong kasalanan.
Job 11:2-6 Ang Biblia (TLAB)
Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap? Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo? Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, at ako'y malinis sa iyong mga mata. Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, at bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo; At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.
Job 11:2-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Palalampasin na lang ba ang napakarami mong sinabi? Tama ba ang isang tao kapag ito ay maraming salita? Akala mo ba'y di masasagot ang mga sinabi mo, at sa iyong pangungutya, kami'y di na makapagsasalita? Ipinipilit mong tama ang iyong paniniwala, at sa harap ng Diyos ika'y malinis na lubos. Magsalita sana ang Diyos upang ika'y masagot. Upang masabi sa iyo ang mga lihim ng karunungan, sapagkat napakalalim ng kanyang kaalaman, parusa nga niya sa iyo'y mas maliit kaysa iyong kasalanan.
Job 11:2-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Hindi ba sasagutin ang karamihan ng mga salita? At ang lalaking masalita ay aariing ganap? Pamamayapain ba ang mga tao ng iyong mga paghahambog. At kung ikaw ay nanunuya, wala bang hihiya sa iyo? Sapagka't iyong sinasabi, Ang aking aral ay dalisay, At ako'y malinis sa iyong mga mata. Nguni't Oh ang Dios nawa'y magsalita, At bukhin ang kaniyang mga labi laban sa iyo; At ipakilala nawa sa iyo ang mga lihim ng karunungan, Pagka't siya ay masagana sa pagkaunawa. Talastasin mo nga na nilalapatan ka ng Dios ng kulang kay sa nauukol sa iyong kasamaan.