Job 11:13-15
Job 11:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ang iyong puso, Job, sa Diyos mo isuko at sa kanya iabot ang mga kamay mo. Alisin mo ang kasalanan sa iyong mga kamay, linisin mo sa kasamaan ang iyong tahanan. At taas noo kang haharap sa sanlibutan, matatag ang loob, walang kinatatakutan.
Job 11:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Job, kung magsisisi ka at lalapit sa Dios, at tatalikuran ang iyong mga kasalanan, at kung pati ang sambahayan mo ay magsisisi sa kanilang kasalanan, tiyak na hindi ka na mapapahiya, tatatag ang iyong pamumuhay at wala ka nang katatakutan.
Job 11:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Kung iyong ihahanda ang iyong puso, at iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya; Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, at huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda; Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot
Job 11:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ang iyong puso, Job, sa Diyos mo isuko at sa kanya iabot ang mga kamay mo. Alisin mo ang kasalanan sa iyong mga kamay, linisin mo sa kasamaan ang iyong tahanan. At taas noo kang haharap sa sanlibutan, matatag ang loob, walang kinatatakutan.
Job 11:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung iyong ihahanda ang iyong puso, At iuunat mo ang iyong kamay sa kaniya; Kung ang kasamaan ay sumaiyong kamay, ilayo mo, At huwag manahan ang kalikuan sa iyong mga tolda; Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot