Juan 9:35-41
Juan 9:35-41 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.” “Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon,” wika ni Jesus. “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus. Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.” Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?” Sumagot si Jesus, “Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.”
Juan 9:35-41 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nabalitaan ni Jesus na pinagbawalang pumasok sa sambahan ang dating bulag, kaya hinanap niya ito. At nang matagpuan niya, tinanong niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po siya? Sabihin nʼyo po sa akin upang sumampalataya ako sa kanya.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Nakita mo na siya, at siya ang kausap mo ngayon.” Sinabi agad ng lalaki, “Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo.” At lumuhod siya at sumamba kay Jesus. Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundo upang hatulan ang mga tao. Ang mga taong umaaming bulag sila sa katotohanan ay makakakita, ngunit ang mga nagsasabing hindi sila bulag sa katotohanan ay hindi makakakita.” Narinig ito ng ilang Pariseong naroon, at nagtanong sila, “Sinasabi mo bang mga bulag din kami?” Sumagot si Jesus, “Kung inaamin nʼyong mga bulag kayo sa katotohanan, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong hindi kayo bulag, nangangahulugan ito na may kasalanan pa rin kayo.”
Juan 9:35-41 Ang Biblia (TLAB)
Nabalitaan ni Jesus na siya'y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios? Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako'y sumampalataya sa kaniya? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya'y nakita mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo. At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siya'y sinamba niya. At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag. Yaong mga Fariseo na kasama niya ay nangakarinig ng mga bagay na ito, at sinabi sa kaniya, Kami baga naman ay mga bulag din? Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.
Juan 9:35-41 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.” “Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon,” wika ni Jesus. “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus. Sinabi pa ni Jesus, “Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.” Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, “Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?” Sumagot si Jesus, “Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.”
Juan 9:35-41 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)