Juan 8:32-36
Juan 8:32-36 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Sumagot sila, “Kami ay mula sa lahi ni Abraham, at kailanma'y hindi kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: ang namumuhay sa kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi kabilang sa pamilya sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kayo'y tunay na lalaya kapag pinalaya kayo ng Anak.
Juan 8:32-36 Ang Salita ng Dios (ASND)
Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Sumagot sila kay Jesus, “Nagmula kami sa lahi ni Abraham, at kailanmaʼy hindi kami naging alipin ng kahit sino. Bakit sinabi mong palalayain kami?” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi namamalagi sa isang pamilya sa habang panahon, ngunit ang anak ay namamalagi magpakailanman. Kaya kung ang Anak ng Dios ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo.
Juan 8:32-36 Ang Biblia (TLAB)
At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. Sa kaniya'y kanilang isinagot, Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya? Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man. Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.
Juan 8:32-36 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Sumagot sila, “Kami ay mula sa lahi ni Abraham, at kailanma'y hindi kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: ang namumuhay sa kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ang alipin ay hindi kabilang sa pamilya sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kayo'y tunay na lalaya kapag pinalaya kayo ng Anak.
Juan 8:32-36 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)