Juan 7:45-53
Juan 7:45-53 Ang Salita ng Dios (ASND)
Bumalik ang mga guwardya ng templo sa mga namamahalang pari at mga Pariseo na nag-utos sa kanila na dakpin si Jesus. Tinanong sila ng mga ito, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” Sumagot sila, “Ngayon lang po kami nakarinig ng katulad niyang magsalita.” Sinabi ng mga Pariseo, “Kung ganoon, pati kayo ay naloko na rin ng taong iyon? May nakita na ba kayong mga pinuno o mga Pariseong sumasampalataya sa kanya? Wala! Mga tao lang na walang alam sa Kautusan ni Moises ang sumasampalataya sa kanya. Sumpain sila ng Dios!” Isa sa mga Pariseong naroon ay si Nicodemus, na minsang dumalaw kay Jesus. Sinabi niya sa mga kasamahan niya, “Hindi baʼt labag sa Kautusan natin na hatulan ang isang tao hanggaʼt hindi siya nalilitis at inaalam kung ano ang ginawa niya?” Sumagot sila kay Nicodemus, “Taga-Galilea ka rin ba? Magsaliksik ka sa Kasulatan at makikita mong walang propetang nanggagaling sa Galilea.” [Pagkatapos nito, nag-uwian na silang lahat.]
Juan 7:45-53 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” Sumagot sila, “Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad niya!” “Pati ba kayo'y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo. “Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya? Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya, kaya't sila'y mga sinumpa!” Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, ang Pariseong nagsadya kay Jesus noong una. At siya'y nagtanong, “Hindi ba't labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa?” Sumagot sila, “Ikaw ba'y taga-Galilea rin? Saliksikin mo ang Kasulatan at makikita mong walang propetang magmumula sa Galilea.” [Pagkatapos nito, umuwi na ang lahat.
Juan 7:45-53 Ang Biblia (TLAB)
Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo siya dinala? Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon. Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin? Sumampalataya baga sa kaniya ang sinoman sa mga pinuno, o ang sinoman sa mga Fariseo? Datapuwa't ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa. Sinabi sa kanila ni Nicodemo (yaong pumaroon kay Jesus nang una, na isa sa kanila), Hinahatulan baga ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna'y dinggin at talastasin kung ano ang kaniyang ginagawa? Sila'y nagsisagot at sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y taga Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumitaw na propeta. Ang bawa't tao'y umuwi sa kanikaniyang sariling bahay
Juan 7:45-53 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” Sumagot sila, “Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad niya!” “Pati ba kayo'y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo. “Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya? Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya, kaya't sila'y mga sinumpa!” Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, ang Pariseong nagsadya kay Jesus noong una. At siya'y nagtanong, “Hindi ba't labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa?” Sumagot sila, “Ikaw ba'y taga-Galilea rin? Saliksikin mo ang Kasulatan at makikita mong walang propetang magmumula sa Galilea.” [Pagkatapos nito, umuwi na ang lahat.
Juan 7:45-53 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)