Juan 6:59-71
Juan 6:59-71 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y nagtuturo sa Capernaum. Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makakaunawa nito?” Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito; kaya't sinabi niya, “Dahil ba rito'y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao papunta sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ito'y loobin ng Ama.” Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Tinanong ni Jesus ang Labindalawa, “Kayo naman, gusto rin ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa Diyos.” Sumagot si Jesus, “Hindi ba't ako ang humirang sa inyong Labindalawa? Sa kabila nito'y diyablo ang isa sa inyo!” Ang tinutukoy niya'y si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat si Judas na kabilang sa Labindalawa, ang siyang magkakanulo sa kanya.
Juan 6:59-71 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito nang nangangaral siya sa sambahan ng mga Judio sa Capernaum. Nang marinig iyon ng mga tagasunod ni Jesus, marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat ang itinuturo niya. Sino ang makakatanggap nito?” Kahit na walang nagsabi sa kanya, alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang mga tagasunod niya dahil sa mga itinuro niya. Kaya sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo matanggap ang mga sinabi ko? Paano pa kaya kung makita ninyo ako na Anak ng Tao na pumapaitaas pabalik sa aking pinanggalingan? Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakakapagbigay-buhay. Pero may ilan sa inyo na hindi sumasampalataya.” Sinabi ito ni Jesus dahil alam niya sa simula pa kung sino ang mga hindi sumasampalataya, at kung sino ang magtatraydor sa kanya. “Ito ang dahilan kaya sinabi ko sa inyong walang makakalapit sa akin malibang ipahintulot ng Ama.” Dagdag pa ni Jesus. Mula noon, marami sa mga tagasunod niya ang tumalikod at hindi na sumunod sa kanya. Kaya tinanong ni Jesus ang 12 apostol, “Kayo ba, gusto rin ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Kayo lang ang may mensaheng nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Sumasampalataya kami sa inyo at alam naming kayo ang Banal na sugo ng Dios.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi baʼt pinili ko kayong 12? Pero ang isa sa inyo ay diyablo!” Ang tinutukoy ni Jesus ay si Judas na anak ni Simon Iscariote, dahil kahit kabilang si Judas sa 12 apostol, tatraydurin niya si Jesus sa bandang huli.
Juan 6:59-71 Ang Biblia (TLAB)
Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa Capernaum. Marami nga sa kaniyang mga alagad, nang kanilang marinig ito, ay nangagsabi, Matigas ang pananalitang ito; sino ang makaririnig noon? Datapuwa't pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito, sa kanila'y sinabi, Ito baga'y nakapagpapatisod sa inyo? Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una? Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay. Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo. At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama. Dahil dito'y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya. Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman? Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios. Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo? Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagka't siya ang sa kaniya'y magkakanulo, palibhasa'y isa sa labingdalawa.
Juan 6:59-71 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y nagtuturo sa Capernaum. Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makakaunawa nito?” Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito; kaya't sinabi niya, “Dahil ba rito'y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao papunta sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ito'y loobin ng Ama.” Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Tinanong ni Jesus ang Labindalawa, “Kayo naman, gusto rin ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa Diyos.” Sumagot si Jesus, “Hindi ba't ako ang humirang sa inyong Labindalawa? Sa kabila nito'y diyablo ang isa sa inyo!” Ang tinutukoy niya'y si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat si Judas na kabilang sa Labindalawa, ang siyang magkakanulo sa kanya.
Juan 6:59-71 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)