Juan 4:27-36
Juan 4:27-36 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating ang kanyang mga alagad nang sandaling iyon, at nabigla sila nang makita nilang nakikipag-usap si Jesus sa isang Samaritana. Ngunit isa man sa kanila'y walang nagtanong sa babae, “Ano ang kailangan ninyo?” Wala ring nagtanong kay Jesus, “Bakit ninyo siya kinakausap?” Iniwanan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon, “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Cristo?” Kaya't lumabas ng bayan ang mga tao at nagpunta kay Jesus. Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.” Ngunit sumagot siya, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman.” Kaya't nagtanung-tanungan ang mga alagad, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin. “Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin. Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan. Kaya't kapwa nagagalak ang nagtatanim at ang umaani.
Juan 4:27-36 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang sandaling iyon, dumating ang mga tagasunod ni Jesus. Nagtaka sila nang madatnan nilang nakikipag-usap siya sa isang babae. Pero wala ni isa man sa kanila ang nagtanong kung ano ang kailangan niya, at hindi rin sila nagtanong kay Jesus kung bakit nakikipag-usap siya sa babae. Iniwan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga taga-roon, “Halikayo! Ipapakita ko sa inyo ang taong alam na alam ang lahat ng ginawa ko! Maaaring siya na nga ang Cristo.” Kaya pinuntahan ng mga tao si Jesus. Samantala, pinapakiusapan ng mga tagasunod niya si Jesus na kumain na. Pero sumagot si Jesus, “May pagkain akong hindi ninyo alam.” Kaya nagtanungan ang mga tagasunod niya, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang pagkain ko ay ang pagsunod sa kalooban ng nagsugo sa akin at ang pagtupad sa kanyang ipinapagawa. Hindi ba sinasabi nʼyo na apat na buwan pa bago ang anihan? Ngunit sinasabi ko sa inyo, anihan na. Tingnan nʼyo ang mga taong dumarating, para silang mga pananim sa bukid na hinog na at pwede nang anihin! Kayong mga tagapag-ani ay tatanggap ng gantimpala mula sa Dios. At ang mga taong inaani ninyo ay bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. Kaya magkasamang matutuwa ang nagtanim ng salita ng Dios at ang nag-ani.
Juan 4:27-36 Ang Biblia (TLAB)
At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya? Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao, Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo? Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya. Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka. Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman. Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain? Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa. Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin. Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa.
Juan 4:27-36 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating ang kanyang mga alagad nang sandaling iyon, at nabigla sila nang makita nilang nakikipag-usap si Jesus sa isang Samaritana. Ngunit isa man sa kanila'y walang nagtanong sa babae, “Ano ang kailangan ninyo?” Wala ring nagtanong kay Jesus, “Bakit ninyo siya kinakausap?” Iniwanan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon, “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Cristo?” Kaya't lumabas ng bayan ang mga tao at nagpunta kay Jesus. Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.” Ngunit sumagot siya, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman.” Kaya't nagtanung-tanungan ang mga alagad, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin. “Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin. Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan. Kaya't kapwa nagagalak ang nagtatanim at ang umaani.
Juan 4:27-36 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)