Juan 3:5-6
Juan 3:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu.
Juan 3:5-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo ang totoo, walang sinumang makakapasok sa kaharian ng Diyos, malibang ipanganak siya sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu. Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu.
Juan 3:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
Juan 3:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sagot naman ni Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu.
Juan 3:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)