Juan 17:16-18
Juan 17:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan.
Juan 17:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo. Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan. Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo upang mangaral.
Juan 17:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
Juan 17:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)