Juan 12:37-41
Juan 12:37-41 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kahit na nakita ng mga Judio ang maraming himala na ginawa ni Jesus, hindi pa rin sila sumampalataya sa kanya. Sa ganoon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe? Sino sa mga pinakitaan mo ng iyong kapangyarihan ang sumampalataya?” Sinabi pa ni Isaias na kaya ayaw nilang sumampalataya ay dahil: “Binulag ng Dios ang kanilang mga mata upang hindi sila makakita, at isinara niya ang kanilang mga isip upang hindi sila makaunawa, dahil baka manumbalik pa sila sa kanya, at pagalingin niya sila.” Sinabi ito ni Isaias dahil nakita niya ang kadakilaan ni Jesus, at nagsalita siya tungkol sa kanya.
Juan 12:37-41 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahit na nasaksihan nila ang maraming himalang ginawa niya, hindi pa rin sila nanalig sa kanya. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ipinahayag? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?” Hindi nga sila makapaniwala sapagkat tulad ng sinabi ni Isaias, “Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata at pinatigas ang kanilang mga puso, upang sila'y hindi makakita, ni makaunawa ang kanilang mga isip, baka pa sila'y manumbalik sa akin at sila'y pagalingin ko.” Sinabi ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagpahayag siya tungkol kay Jesus.

Juan 12:37-41 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya: Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon? Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias, Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila'y mapagaling ko. Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
Juan 12:37-41 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kahit na nasaksihan nila ang maraming himalang ginawa niya, hindi pa rin sila nanalig sa kanya. Nangyari ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ipinahayag? Kanino mo ipinakita ang iyong kapangyarihan?” Hindi nga sila makapaniwala sapagkat tulad ng sinabi ni Isaias, “Binulag ng Diyos ang kanilang mga mata at pinatigas ang kanilang mga puso, upang sila'y hindi makakita, ni makaunawa ang kanilang mga isip, baka pa sila'y manumbalik sa akin at sila'y pagalingin ko.” Sinabi ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagpahayag siya tungkol kay Jesus.
Juan 12:37-41 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)