Juan 11:33-35
Juan 11:33-35 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nabagbag ang puso ni Jesus at naawa siya nang makita niyang umiiyak si Maria, pati na ang mga kasama nitong mga Judio. Tinanong niya sila, “Saan ninyo siya inilibing?” Sumagot sila, “Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.” Umiyak si Jesus.
Juan 11:33-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nahabag si Jesus at nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga Judiong kasama nito. “Saan ninyo siya inilibing?” tanong ni Jesus. Sumagot sila, “Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.” Tumangis si Jesus
Juan 11:33-35 Ang Biblia (TLAB)
Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan, At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo. Tumangis si Jesus.
Juan 11:33-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nahabag si Jesus at nabagbag ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si Maria, pati ang mga Judiong kasama nito. “Saan ninyo siya inilibing?” tanong ni Jesus. Sumagot sila, “Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.” Tumangis si Jesus
Juan 11:33-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)