Juan 11:23-26
Juan 11:23-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus. Sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
Juan 11:23-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Muling mabubuhay ang kapatid mo.” Sumagot si Marta, “Alam ko pong mabubuhay siyang muli sa huling araw, kapag bubuhayin na ang mga namatay.” Sinabi ni Jesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
Juan 11:23-26 Ang Biblia (TLAB)
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid. Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
Juan 11:23-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Muling mabubuhay ang iyong kapatid,” sabi ni Jesus. Sumagot si Marta, “Nalalaman ko pong siya'y mabubuhay muli sa huling araw.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”
Juan 11:23-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)