Juan 10:22-32
Juan 10:22-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Taglamig na noon at kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo. Habang naglalakad si Jesus sa Templo, sa Portiko ni Solomon, pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami ilalagay sa alanganin? Kung ikaw nga ang Cristo, sabihin mo na nang tuwiran.” Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin. Ngunit ayaw ninyong maniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.” Ang mga pinuno ng mga Judio'y muling dumampot ng bato upang batuhin siya. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Marami akong mabubuting gawang ipinakita sa inyo mula sa Ama. Alin ba sa mga ito ang dahilan at ako'y inyong babatuhin?”
Juan 10:22-32 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumapit ang pagdiriwang ng Pista ng Pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem. Taglamig na noon, at naglalakad si Jesus sa bahagi ng templo na kung tawagin ay Balkonahe ni Solomon. Pinalibutan siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo ililihim sa amin kung sino ka talaga? Kung ikaw nga ang Cristo, tapatin mo na kami.” Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo kung sino ako, pero ayaw naman ninyong maniwala. Ang mga ginawa kong himala sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatunay kung sino ako. Ngunit ayaw nʼyong maniwala sa akin dahil hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanman ay hindi sila mapapahamak. Walang makakaagaw sa kanila sa aking kamay. Ibinigay sila sa akin ng Ama na higit na makapangyarihan sa lahat. Walang makakaagaw sa kanila mula sa kamay ng aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.” Nang marinig ito ng mga Judio, muli silang dumampot ng mga bato para batuhin siya. Pero sinabi sa kanila ni Jesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawa na ipinapagawa sa akin ng Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung bakit nʼyo ako babatuhin?”
Juan 10:22-32 Ang Biblia (TLAB)
At niyao'y kapistahan ng pagtatalaga sa Jerusalem: Noo'y tagginaw; at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Salomon. Nilibot nga siya ng mga Judio, at sa kaniya'y sinabi, Hanggang kailan mo pa baga pagaalinlanganin kami? Kung ikaw ang Cristo, ay sabihin mong maliwanag sa amin. Sinagot sila ni Jesus, Sinabi ko sa inyo, at hindi kayo nagsisampalataya: ang mga gawang ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama, ay siyang nangagpapatotoo sa akin. Datapuwa't hindi kayo nagsisampalataya, sapagka't hindi kayo sa aking mga tupa. Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin: At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama. Ako at ang Ama ay iisa. Nagsidampot uli ng mga bato ang mga Judio upang siya'y batuhin. Sinagot sila ni Jesus, Maraming mabubuting gawa na mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin sa mga gawang yaon ang ibinabato ninyo sa akin?
Juan 10:22-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Taglamig na noon at kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo. Habang naglalakad si Jesus sa Templo, sa Portiko ni Solomon, pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya, “Hanggang kailan mo kami ilalagay sa alanganin? Kung ikaw nga ang Cristo, sabihin mo na nang tuwiran.” Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin. Ngunit ayaw ninyong maniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.” Ang mga pinuno ng mga Judio'y muling dumampot ng bato upang batuhin siya. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Marami akong mabubuting gawang ipinakita sa inyo mula sa Ama. Alin ba sa mga ito ang dahilan at ako'y inyong babatuhin?”
Juan 10:22-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)