Juan 1:10-13
Juan 1:10-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos.
Juan 1:10-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pumarito siya sa mundo ngunit hindi siya kinilala ng mundo, bagamaʼt nilikha ang mundo sa pamamagitan niya. Dumating siya sa sarili niyang bayan, ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Gayunpaman, ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Naging anak sila ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang dahil sa kagustuhan ng laman o kalooban ng tao, kundi ng Diyos.
Juan 1:10-13 Ang Biblia (TLAB)
Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan. Siya'y naparito sa sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
Juan 1:10-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos.
Juan 1:10-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)