Jeremias 23:5
Jeremias 23:5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Nalalapit na ang araw,” sabi ni Yahweh, “na pipili ako ng isang matuwid na Sanga na magmumula sa lahi ni David, isang hari na mamamahala ng buong karunungan. Paiiralin niya sa buong lupain ang katarungan at katuwiran.
Jeremias 23:5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi pa ng PANGINOON, “Darating ang araw na paghahariin ko ang isang hari na matuwid na mula sa angkan ni David. Maghahari siyang may karunungan, at paiiralin niya ang katuwiran at katarungan sa lupaing ito.
Jeremias 23:5 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
Jeremias 23:5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)