Jeremias 14:1-13
Jeremias 14:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang pahayag ni Yahweh kay Jere mias tungkol sa tagtuyot: “Nananangis ang Juda, naghihingalo ang kanyang mga lunsod, nakahandusay sa lupa ang mga tao dahil sa matinding kalungkutan, at napapasaklolo ang Jerusalem. Inutusan ng mayayaman ang kanilang mga alipin upang kumuha ng tubig; nagpunta naman ang mga ito sa mga balon, ngunit wala silang nakuhang tubig doon; kaya nagbalik sila na walang laman ang mga banga. Dahil sa kahihiyan at kabiguan ay tinatakpan nila ang kanilang mukha, sapagkat bitak-bitak na ang lupa. Tuyung-tuyo na ang lupain dahil hindi umuulan, nanlupaypay ang mga magbubukid, kaya sila'y nagtalukbong na lang ng mukha. Iniwan na ng inahing usa ang kanyang anak na bagong silang, sapagkat wala ng sariwang damo sa parang. Umakyat sa mga burol ang mga asnong maiilap, humihingal na parang mga asong-gubat; nanlalabo ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain. Nagsumamo sa akin ang aking bayan: ‘Yahweh, bagaman inuusig kami ng aming mga kasalanan, gayunman, kami'y tulungan mo gaya ng iyong pangako. Tunay na maraming beses na kaming tumalikod; kami ay nagkasala laban sa iyo. Ikaw ang tanging pag-asa ng Israel, ikaw lamang ang makakapagligtas sa amin sa panahon ng kagipitan. Bakit para kang dayuhan sa aming bayan, parang isang manlalakbay na nakikitulog lamang? Bakit para kang isang taong nabigla, parang kawal na walang tulong na magawâ? Ngunit ang totoo, O Yahweh, kasama ka namin; kami ay iyong bayan, huwag mo kaming pabayaan.’” Ang sabi ni Yahweh tungkol sa mga taong ito, “Ginusto nilang lumayo sa akin, at walang nakapigil sa kanila. Kaya naman hindi ako nalulugod sa kanila. Hindi ko malilimot ang masasama nilang gawa, at paparusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan.” At sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong hilingin sa akin na tulungan ko ang mga taong ito. Kahit na sila'y mag-ayuno, magsunog ng mga handog at magdala ng handog na pagkaing butil, hindi ko diringgin ang kanilang panalangin at hindi ako malulugod sa kanila. Sa halip, pababayaan ko silang mamatay sa digmaan, sa matinding gutom, at sa sakit.” Ang sabi ko naman, “Panginoong Yahweh, alam mong sinasabi ng mga propeta na hindi magkakaroon ng digmaan o taggutom, sapagkat iyong ipinangako na kapayapaan lamang ang mararanasan sa buong bayan.”
Jeremias 14:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang sinabi sa akin ng PANGINOON tungkol sa mahabang tagtuyot: “Nagluluksa ang Juda; ang mga lungsod niyaʼy nanlulupaypay. Nakaupo ang mga mamamayan niya sa lupa na umiiyak, at naririnig ang iyakan sa Jerusalem. Inutusan ng mayayaman ang mga alipin nila na umigib ng tubig. Pumunta sila sa mga balon pero walang tubig doon. Kaya bumalik silang walang laman ang mga lalagyan, at nagtakip ng mga ulo dahil sa matinding hiya. Nabitak ang lupa dahil walang ulan. At dahil sa hinagpis, tinakpan ng mga magbubukid ang mga ulo nila. Kahit ang usa ay iniwanan ang anak niya na kasisilang pa lang dahil wala nang sariwang damo. Ang mga asnong-gubat ay tumatayo sa mga burol at humihingal na parang asong-gubat. Nanlalabo na ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain.” Sinabi ng mga tao, “O PANGINOON, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Pero tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng pangalan ninyo. O PANGINOON, kayo po ang tanging pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya sa panahon ng kaguluhan. Bakit naging parang dayuhan kayo rito sa amin? Bakit po kayo parang manlalakbay na tumitigil lang ng isang gabi sa bansa namin? Katulad rin po ba kayo ng taong walang magagawa at sundalong walang kakayahang magligtas? Kasama namin kayo, O PANGINOON, at kami ay inyong mga mamamayan, kaya huwag nʼyo po kaming pababayaan.” Ito ang sagot ng PANGINOON sa mga tao: “Talagang gusto na ninyong lumayo sa akin; ang sarili lang ninyong kagustuhan ang inyong sinusunod. Kaya ayaw ko na kayong tanggapin bilang aking mga mamamayan. Hindi ko makakalimutan ang kasamaan ninyo at parurusahan ko kayo.” Pagkatapos, sinabi sa akin ng PANGINOON, “Huwag kang mananalangin para sa kabutihan ng mga taong ito. Kahit mag-ayuno pa sila, hindi ko diringgin ang paghingi nila ng tulong sa akin. Kahit na maghandog pa sila ng mga handog na sinusunog at handog na pagpaparangal sa akin, hindi ko iyon tatanggapin. Sa halip, papatayin ko sila sa pamamagitan ng digmaan, gutom, at salot.” Pero sinabi ko, “O Panginoong DIOS, alam nʼyo po na laging sinasabi sa kanila ng mga propeta na wala raw digmaan o taggutom na darating dahil sinabi nʼyo raw na bibigyan nʼyo sila ng kapayapaan sa bansa nila.”
Jeremias 14:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo. Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan niya ay nagsisihapay, mga bagsak na nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang. At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo. Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo. Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo. At ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan. Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo. Oh ikaw na pagasa ng Israel, na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi? Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan na hindi makapagligtas? gayon man ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; huwag mo kaming iwan. Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan. At sinabi ng Panginoon sa akin, Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti. Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot. Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.
Jeremias 14:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang pahayag ni Yahweh kay Jere mias tungkol sa tagtuyot: “Nananangis ang Juda, naghihingalo ang kanyang mga lunsod, nakahandusay sa lupa ang mga tao dahil sa matinding kalungkutan, at napapasaklolo ang Jerusalem. Inutusan ng mayayaman ang kanilang mga alipin upang kumuha ng tubig; nagpunta naman ang mga ito sa mga balon, ngunit wala silang nakuhang tubig doon; kaya nagbalik sila na walang laman ang mga banga. Dahil sa kahihiyan at kabiguan ay tinatakpan nila ang kanilang mukha, sapagkat bitak-bitak na ang lupa. Tuyung-tuyo na ang lupain dahil hindi umuulan, nanlupaypay ang mga magbubukid, kaya sila'y nagtalukbong na lang ng mukha. Iniwan na ng inahing usa ang kanyang anak na bagong silang, sapagkat wala ng sariwang damo sa parang. Umakyat sa mga burol ang mga asnong maiilap, humihingal na parang mga asong-gubat; nanlalabo ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain. Nagsumamo sa akin ang aking bayan: ‘Yahweh, bagaman inuusig kami ng aming mga kasalanan, gayunman, kami'y tulungan mo gaya ng iyong pangako. Tunay na maraming beses na kaming tumalikod; kami ay nagkasala laban sa iyo. Ikaw ang tanging pag-asa ng Israel, ikaw lamang ang makakapagligtas sa amin sa panahon ng kagipitan. Bakit para kang dayuhan sa aming bayan, parang isang manlalakbay na nakikitulog lamang? Bakit para kang isang taong nabigla, parang kawal na walang tulong na magawâ? Ngunit ang totoo, O Yahweh, kasama ka namin; kami ay iyong bayan, huwag mo kaming pabayaan.’” Ang sabi ni Yahweh tungkol sa mga taong ito, “Ginusto nilang lumayo sa akin, at walang nakapigil sa kanila. Kaya naman hindi ako nalulugod sa kanila. Hindi ko malilimot ang masasama nilang gawa, at paparusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan.” At sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong hilingin sa akin na tulungan ko ang mga taong ito. Kahit na sila'y mag-ayuno, magsunog ng mga handog at magdala ng handog na pagkaing butil, hindi ko diringgin ang kanilang panalangin at hindi ako malulugod sa kanila. Sa halip, pababayaan ko silang mamatay sa digmaan, sa matinding gutom, at sa sakit.” Ang sabi ko naman, “Panginoong Yahweh, alam mong sinasabi ng mga propeta na hindi magkakaroon ng digmaan o taggutom, sapagkat iyong ipinangako na kapayapaan lamang ang mararanasan sa buong bayan.”
Jeremias 14:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)