Mga Hukom 6:35-40
Mga Hukom 6:35-40 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagpadala siya ng mga sugo sa buong nasasakupan ng mga lipi nina Manases, Asher, Zebulun at Neftali upang makiisa sa kanya ang mga liping ito. Nagpasya namang sumama ang mga ito kay Gideon. Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Sinabi ninyo sa akin na ako ang gagamitin ninyo upang iligtas ang Israel. Dahil dito, maglalatag ako ng isang lana sa giikan ng trigo. Kapag nabasa ito ng hamog ngunit tuyo ang paligid, ako nga ang gagamitin ninyo upang iligtas ang Israel.” Ganoon nga ang ginawa ni Gideon. Kinabukasan ng umaga, kinuha niya ang lanang inilatag sa giikan, at nang pigain niya ito, napuno niya ng tubig ang isang mangkok. Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag po kayong magagalit sa akin. Mayroon pa po akong isang hihilingin. Nais ko pong matuyo naman itong lana at mabasa ng hamog ang lupa sa paligid.” Kinagabihan, ginawa nga iyon ng Diyos. Tuyo ang lana ngunit basa ng hamog ang lupa sa paligid nito.
Mga Hukom 6:35-40 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nagsugo rin siya ng mga mensahero sa buong lahi nina Manase, Asher, Zebulun at Naftali para tawagin sila na sumama sa pakikipaglaban. At sumama sila kay Gideon. Sinabi ni Gideon sa Dios, “Sinabi nʼyo po na gagamitin nʼyo ako para iligtas ang Israel. Ngayon, maglalagay po ako ng balahibo ng tupa sa lupang ginigiikan namin ng trigo. Kung mabasa po ito ng hamog kahit tuyo ang lupa, malalaman ko po na ako nga ang gagamitin nʼyo para iligtas ang Israel ayon sa sinabi ninyo.” At ganoon nga ang nangyari. Nang sumunod na araw, maagang gumising si Gideon at kinuha ang balahibo ng tupa at piniga, at napuno ng tubig ang isang mangkok. Pagkatapos, sinabi ni Gideon sa Dios, “Huwag po kayong magalit sa akin; may isa na lang po akong kahilingan sa inyo. Nais ko po ng isa pang pagsubok para sa balahibo ng tupa. Gusto ko po sanang mabasa ng hamog ang lupa pero manatiling tuyo ang balahibo ng tupa.” Kinagabihan, ginawa nga ito ng Dios. Tuyo ang balahibo ng tupa pero basa naman ng hamog ang lupa sa paligid nito.
Mga Hukom 6:35-40 Ang Biblia (TLAB)
At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila. At sinabi ni Gedeon sa Dios, Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita. Narito, aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan; kung dumoon lamang sa balat ang hamog, at maging tuyo ang buong lupa, ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay, gaya ng iyong sinalita. At nagkagayon: sapagka't siya'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at hinigpit ang buong balat, at piniga ang hamog sa balat, na isang tasang malaki ng tubig. At sinabi ni Gedeon sa Dios, Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin, at magsasalita na lamang ako ng minsan pa: isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat: tuyuin mo ngayon ang balat lamang, at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog. At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon: sapagka't natuyo ang balat lamang, at nagkaroon ng hamog sa buong lupa.
Mga Hukom 6:35-40 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagpadala siya ng mga sugo sa buong nasasakupan ng mga lipi nina Manases, Asher, Zebulun at Neftali upang makiisa sa kanya ang mga liping ito. Nagpasya namang sumama ang mga ito kay Gideon. Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Sinabi ninyo sa akin na ako ang gagamitin ninyo upang iligtas ang Israel. Dahil dito, maglalatag ako ng isang lana sa giikan ng trigo. Kapag nabasa ito ng hamog ngunit tuyo ang paligid, ako nga ang gagamitin ninyo upang iligtas ang Israel.” Ganoon nga ang ginawa ni Gideon. Kinabukasan ng umaga, kinuha niya ang lanang inilatag sa giikan, at nang pigain niya ito, napuno niya ng tubig ang isang mangkok. Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag po kayong magagalit sa akin. Mayroon pa po akong isang hihilingin. Nais ko pong matuyo naman itong lana at mabasa ng hamog ang lupa sa paligid.” Kinagabihan, ginawa nga iyon ng Diyos. Tuyo ang lana ngunit basa ng hamog ang lupa sa paligid nito.
Mga Hukom 6:35-40 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)