Santiago 1:1-4
Santiago 1:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa labindalawang liping hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang bansa. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
Santiago 1:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa labindalawang liping hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang bansa. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
Santiago 1:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula kay Santiago na lingkod ng Dios at ng Panginoong Jesu-Cristo. Mahal kong mga mananampalataya na nagsipangalat saan man sa mundo. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nʼyo.
Santiago 1:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat. Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis. At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
Santiago 1:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)