Santiago 1:1-3
Santiago 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa labindalawang liping hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang bansa. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.
Santiago 1:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mula kay Santiago na lingkod ng Dios at ng Panginoong Jesu-Cristo. Mahal kong mga mananampalataya na nagsipangalat saan man sa mundo. Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya.
Santiago 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat. Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso; Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.
Santiago 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa labindalawang liping hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang bansa. Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.
Santiago 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)