Isaias 65:17-19
Isaias 65:17-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan. Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan. Ako mismo'y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
Isaias 65:17-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Makinig kayo! Gagawa ako ng bagong langit at bagong lupa. Ang dating langit at lupa ay kakalimutan na. Kaya magalak kayo at magdiwang ng walang hanggan sa aking gagawin. Sapagkat ang Jerusalem ay gagawin kong kagalakan ng mga tao, at ang kanyang mga mamamayan ay magbibigay din ng kagalakan. Magagalak ako sa Jerusalem at sa kanyang mga mamamayan. Hindi na maririnig doon ang iyakan at paghingi ng tulong o mga pagdaing.
Isaias 65:17-19 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
Isaias 65:17-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sabi ni Yahweh: “Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan. Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa, ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya, at magiging masaya ang kanyang mamamayan. Ako mismo'y magagalak dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
Isaias 65:17-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)