Isaias 62:4-5
Isaias 62:4-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo'y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan.’ Ang itatawag na sa iyo'y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo'y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain. Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.
Isaias 62:4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi ka na tatawaging, “Itinakwil” o “Pinabayaan”. Ikaw ay tatawaging, “Kaligayahan ng Dios” o “Ikinasal sa Dios”, dahil nalulugod sa iyo ang Dios at para bang ikaw ay ikakasal sa kanya. Siya na lumikha sa iyo ay magpapakasal sa iyo na parang isang binata na ikakasal sa isang birhen. At kung papaanong ang nobyo ay nagagalak sa kanyang nobya, ang iyong Dios ay nagagalak din sa iyo.
Isaias 62:4-5 Ang Biblia (TLAB)
Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin. Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.
Isaias 62:4-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi ka na tatawaging ‘Pinabayaan,’ at ang lupain mo'y hindi na rin tatawaging ‘Asawang Iniwanan.’ Ang itatawag na sa iyo'y ‘Kinalulugdan ng Diyos,’ at ang lupain mo'y tatawaging ‘Maligayang Asawa,’ sapagkat si Yahweh ay nalulugod sa iyo, at ikaw ay magiging parang asawa sa iyong lupain. Tulad ng isang binatang ikinakasal sa isang birhen, ikaw ay pakakasalan ng sa iyo ay lumikha, kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan, ganoon din ang kagalakan ng Diyos sa iyo.
Isaias 62:4-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)