Isaias 62:1-2
Isaias 62:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab. Makikita ng mga bansa ang pagpapawalang-sala sa iyo, at ng lahat ng hari ang iyong kaningningan. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan, na si Yahweh mismo ang magkakaloob.
Isaias 62:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dahil sa mahal ko ang Jerusalem, hindi ako tatahimik hanggaʼt hindi dumarating ang kanyang tagumpay at katuwiran na parang nagbubukang-liwayway; at hanggang sa mapasakanya ang kanyang kaligtasan na parang nagniningas na sulo. O Jerusalem, makikita ng mga bansa at ng kanilang mga hari ang iyong tagumpay, katuwiran, at ang iyong kapangyarihan. Bibigyan ka ng PANGINOON ng bagong pangalan.
Isaias 62:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas. At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.
Isaias 62:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tatahimik hanggang hindi niya nakakamit ang kaligtasan; hanggang sa makita ang kanyang tagumpay na parang sulong nagliliyab. Makikita ng mga bansa ang pagpapawalang-sala sa iyo, at ng lahat ng hari ang iyong kaningningan. Ikaw ay tatawagin sa isang bagong pangalan, na si Yahweh mismo ang magkakaloob.
Isaias 62:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)