Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 60:1-11

Isaias 60:1-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat. Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo; manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki; ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata. Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa. Darating ang maraming pangkat ng kamelyo mula sa Midian at Efa; buhat sa Seba ay darating silang may dalang mga ginto at insenso, at naghahayag ng pagpupuri kay Yahweh. Lahat ng kawan ng tupa sa Kedar ay dadalhin sa iyo, at paglilingkuran ka ng mga barakong tupa sa Nebaiot. Ihahain sila bilang handog sa aking altar at pararangalan ko ang aking Templo. Sino ang mga ito na lumilipad na tulad ng mga ulap, at gaya ng mga kalapating bumabalik sa tahanan? Ang mga malalaking barko ay hinihintay sa daungan; upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malalayong lupain. May mga dala silang ginto at pilak, bilang pagpaparangal kay Yahweh na iyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, sapagkat ikaw ay kanyang pinaparangalan. Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem, “Mga dayuhan ang muling magtatayo ng iyong mga pader, at maglilingkod sa iyo ang kanilang mga hari. Nang ako'y mapoot, ikaw ay pinarusahan ko, ngunit ngayo'y tinutulungan kita at kinahahabagan. Ang mga pintuan mo'y aking ibubukas araw at gabi, upang dito papasok ang mga hari ng mga bansa, at dalhin sa iyo ang kanilang mga kayamanan.

Isaias 60:1-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

“Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, dahil dumating na ang kaligtasan mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng PANGINOON. Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, pero ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng PANGINOON. Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari. Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga. Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo. Mapupuno ang iyong lupain ng mga kamelyo ng mga taga-Midian at ng mga taga-Efa. Darating sila sa iyo mula sa Sheba na may dalang mga ginto at mga insenso para sambahin ang PANGINOON. Dadalhin ng mga taga-Kedar at mga taga-Nebayot ang kanilang mga tupa sa iyo, at ihahandog ito sa altar ng Panginoon para siyaʼy malugod. At lalo pang pararangalan ng Panginoon ang kanyang templo. Maglalayag ang mga barko na parang mga ulap na lumilipad at parang mga kalapating papunta sa kanilang mga pugad. Ang mga barkong itoʼy pag-aari ng mga nakatira sa malalayong lugar, na umaasa sa PANGINOON. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarshish para ihatid ang iyong mga mamamayan pauwi mula sa malalayong lugar. Magdadala sila ng mga ginto at pilak para sa PANGINOON na iyong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.” Sinasabi ng Panginoon sa Jerusalem: “Itatayo ng mga dayuhan ang iyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo. Kahit na pinarurusahan kita dahil sa galit ko sa iyo, kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti. Palaging magiging bukas ang iyong pintuan araw at gabi para tumanggap ng mga kayamanan ng mga bansa. Nakaparada ang mga hari na papasok sa iyo.

Isaias 60:1-11 Ang Biblia (TLAB)

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo. Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat. Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin. Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo. Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon. Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian. Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan? Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka't kaniyang niluwalhati ka. At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo: sapagka't sa aking poot ay sinaktan kita, nguni't sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo. Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.

Isaias 60:1-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat. Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo; manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki; ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata. Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa. Darating ang maraming pangkat ng kamelyo mula sa Midian at Efa; buhat sa Seba ay darating silang may dalang mga ginto at insenso, at naghahayag ng pagpupuri kay Yahweh. Lahat ng kawan ng tupa sa Kedar ay dadalhin sa iyo, at paglilingkuran ka ng mga barakong tupa sa Nebaiot. Ihahain sila bilang handog sa aking altar at pararangalan ko ang aking Templo. Sino ang mga ito na lumilipad na tulad ng mga ulap, at gaya ng mga kalapating bumabalik sa tahanan? Ang mga malalaking barko ay hinihintay sa daungan; upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malalayong lupain. May mga dala silang ginto at pilak, bilang pagpaparangal kay Yahweh na iyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, sapagkat ikaw ay kanyang pinaparangalan. Sinabi ni Yahweh sa Jerusalem, “Mga dayuhan ang muling magtatayo ng iyong mga pader, at maglilingkod sa iyo ang kanilang mga hari. Nang ako'y mapoot, ikaw ay pinarusahan ko, ngunit ngayo'y tinutulungan kita at kinahahabagan. Ang mga pintuan mo'y aking ibubukas araw at gabi, upang dito papasok ang mga hari ng mga bansa, at dalhin sa iyo ang kanilang mga kayamanan.

Isaias 60:1-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ikaw ay bumangon, sumilang ka: sapagka't ang iyong liwanag ay dumating, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumikat sa iyo. Sapagka't narito, tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng salimuot na dilim ang mga bayan: nguni't ang Panginoon ay sisikat sa iyo, at ang kaniyang kaluwalhatian ay makikita sa iyo. At ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat. Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila'y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo at ang iyong mga anak na babae ay kakalungin. Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka't ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa ay darating sa iyo. Tatakpan ka ng karamihan ng kamelyo, ng mga dromedario sa Madian at sa Epha; magsisipanggaling na lahat mula sa Seba: mangagdadala ng ginto at kamangyan, at magtatanyag ng mga kapurihan ng Panginoon. Lahat ng kawan sa Cedar ay mapipisan sa iyo, ang mga lalaking tupa sa Nebayoth ay mangahahain sa akin: sila'y kalugodlugod, na tatanggapin sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang bahay ng aking kaluwalhatian. Sino ang mga ito na lumalakad na parang alapaap at parang mga kalapati sa kanilang mga dungawan? Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka't kaniyang niluwalhati ka. At itatayo ng mga taga ibang lupa ang iyong mga kuta, at ang kanilang mga hari ay magsisipangasiwa sa iyo: sapagka't sa aking poot ay sinaktan kita, nguni't sa aking biyaya ay naawa ako sa iyo. Ang iyo namang mga pintuang-bayan ay mabubukas na lagi; hindi masasara sa araw o sa gabi man; upang ang mga tao ay mangagdala sa iyo ng kayamanan ng mga bansa, at ang kanilang mga hari ay makakasama nila.

Isaias 60:1-11

Isaias 60:1-11 RTPV05