Isaias 59:10-11
Isaias 59:10-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nangangapa tayo na parang bulag. Natitisod tayo kahit katanghaliang tapat, na parang lumalakad sa dilim. Tayoʼy parang mga patay kung ihahambing sa mga taong malakas. Umuungal tayo sa hirap na parang oso at dumadaing na parang mga kalapati. Hinihintay nating parusahan na ng Dios ang ating mga kaaway at tayoʼy iligtas, pero hindi pa rin nangyayari.
Isaias 59:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tulad nami'y bulag na nangangapa sa paglakad, nadarapa kami tulad ng mga walang paningin. Sa katanghaliang-tapat, kami'y natatalisod na para bang gabi na, parang kami'y nasa dilim tulad ng mga patay. Umuungal tayong lahat na gaya ng mga oso; dumaraing tayo at nagdadalamhati tulad ng mga kalapati. Ang hinihintay nating katarungan ay hindi dumarating. Nais nating maligtas sa kaapihan at kahirapan ngunit ang kaligtasan ay malayo.
Isaias 59:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay. Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
Isaias 59:10-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tulad nami'y bulag na nangangapa sa paglakad, nadarapa kami tulad ng mga walang paningin. Sa katanghaliang-tapat, kami'y natatalisod na para bang gabi na, parang kami'y nasa dilim tulad ng mga patay. Umuungal tayong lahat na gaya ng mga oso; dumaraing tayo at nagdadalamhati tulad ng mga kalapati. Ang hinihintay nating katarungan ay hindi dumarating. Nais nating maligtas sa kaapihan at kahirapan ngunit ang kaligtasan ay malayo.
Isaias 59:10-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)