Isaias 58:4-5
Isaias 58:4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nag-aayuno nga kayo, pero nag-aaway-away naman kayo, nagtatalo, at nagsusuntukan pa. Huwag ninyong iisipin na ang ginagawa ninyong pag-aayuno ngayon ay makakatulong para dinggin ko ang inyong dalangin. Kapag nag-aayuno kayo, nagpepenitensya kayo. Yumuyuko kayo na parang mga damong kugon. Nagsusuot kayo ng damit na panluksa at humihiga sa abo. Iyan ba ang tinatawag ninyong ayuno? Akala ba ninyoʼy nakakalugod iyon sa akin?
Isaias 58:4-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan, kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon, kaya tiyak na hindi ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa akin. Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran? Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao? Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin, o mahiga kayo sa sako at abo? Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
Isaias 58:4-5 Ang Biblia (TLAB)
Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas. Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon?
Isaias 58:4-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang pag-aayuno ninyo'y humahantong lamang sa karahasan, kayo'y nagkakagalit at naglalaban-laban. Hindi tunay ang pag-aayunong ginagawa ninyo ngayon, kaya tiyak na hindi ko papakinggan, ang inyong mga dalangin sa akin. Ganyan ba ang pag-aayunong aking kaluluguran? Iyan ba ang araw na talagang nagpapakumbabá ang mga tao? Hinihiling ko ba na yumuko kayong tulad ng damong hinihipan ng hangin, o mahiga kayo sa sako at abo? Pag-aayuno na ba ang tawag ninyo diyan, isang araw na nakalulugod kay Yahweh?
Isaias 58:4-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)