Isaias 58:12
Isaias 58:12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Muli ninyong itatayo ang kutang gumuho, at itatatag ito sa dating pundasyon. Makikilala kayo bilang tagapagtayo ng mga nawasak na pader, mga tagapagtatag ng bagong pamayanan.”
Isaias 58:12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Muling itatayo ng inyong mga lahi ang mga lungsod ninyong matagal nang wasak at aayusin nila ang dating mga pundasyon. Makikilala kayo na mga taong tagaayos ng kanilang mga gibang pader at mga bahay.
Isaias 58:12 Ang Biblia (TLAB)
At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.