Isaias 54:2-3
Isaias 54:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gumawa ka ng mas malaking tolda, palaparin mo ang kurtina niyon. Huwag mong lagyan ng hangganan ang dakong iyon, pahabain mo ang mga tali. Ibaon mo ng malalim ang mga pantulos. Sapagkat kakalat kayo sa buong daigdig, aangkinin ng inyong lahi ang ibang mga bansa; at pananahanan nila ang mga lunsod doon, na iniwanan.
Isaias 54:2-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Gumawa ka ng mas malaki at matibay na tirahan. Huwag mong liliitan. Sapagkat lalawak ang iyong hangganan, sasakupin ng iyong mga mamamayan ang ibang mga bansa, at kanilang titirhan ang mga lungsod doon na iniwan.
Isaias 54:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Iyong palakhin ang dako ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos. Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.
Isaias 54:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Gumawa ka ng mas malaking tolda, palaparin mo ang kurtina niyon. Huwag mong lagyan ng hangganan ang dakong iyon, pahabain mo ang mga tali. Ibaon mo ng malalim ang mga pantulos. Sapagkat kakalat kayo sa buong daigdig, aangkinin ng inyong lahi ang ibang mga bansa; at pananahanan nila ang mga lunsod doon, na iniwanan.
Isaias 54:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)