Isaias 53:9-11
Isaias 53:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Siya'y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, kahit na siya'y walang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan.” Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.
Isaias 53:9-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kahit na wala siyang ginawang kasalanan at anumang pandaraya, inilibing siyang parang isang kriminal; inilibing siyang kasama ng mga mayayaman. Pero kalooban ng PANGINOON na saktan siya at pahirapan. Kahit na ginawa siyang handog ng PANGINOON para mabayaran ang kasalanan ng mga tao, makikita niya ang kanyang mga lahi at tatanggap siya ng mahabang buhay. At sa pamamagitan niya ay matutupad ang kalooban ng PANGINOON. Kapag nakita niya ang bunga ng kanyang paghihirap, matutuwa siya. Sinabi ng PANGINOON, “Sa pamamagitan ng karunungan ng aking matuwid na lingkod ay marami ang ituturing niyang matuwid, magdurusa siya para sa kanilang mga kasalanan.
Isaias 53:9-11 Ang Biblia (TLAB)
At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay. Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
Isaias 53:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Siya'y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, kahit na siya'y walang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan.” Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng mahabang pagdurusa, muli siyang lalasap ng ligaya; malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami, at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin.
Isaias 53:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)