Isaias 52:13-15
Isaias 52:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh, “Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain; mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagulat nang siya'y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao. Ngayo'y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan. Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan, at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”
Isaias 52:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ng Panginoon, “Ang aking lingkod ay magtatagumpay. Magiging tanyag siya at pararangalan. Marami ang magugulat sa kanya, dahil halos mawasak na ang kanyang mukha at parang hindi na mukha ng tao. Pati ang mga bansa ay mamamangha sa kanya. Ang mga hari ay hindi makakapagsalita dahil sa kanya, dahil makikita nila ang mga bagay na hindi pa nasasabi sa kanila. At mauunawaan nila ang mga bagay na hindi pa nila naririnig.”
Isaias 52:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas. Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao), Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.
Isaias 52:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh, “Ang lingkod ko'y magtatagumpay sa kanyang gawain; mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagulat nang siya'y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi makilala kung siya ay tao. Ngayo'y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari kapag siya'y nakita ay matitigilan. Makikita nila ang hindi nabalita kahit na kailan, at mauunawaan ang hindi pa narinig ninuman!”
Isaias 52:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)