Isaias 50:7-9
Isaias 50:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin. Handa akong magtiis, sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya. Ang Diyos ay malapit, at siya ang magpapatunay na wala akong sala. May mangangahas bang ako'y usigin? Magharap kami sa hukuman, at ilahad ang kanyang paratang. Ang Panginoong Yahweh mismo ang magtatanggol sa akin. Sino ang makapagpapatunay na ako ay may sala? Mawawalang lahat ang nagbibintang sa akin, tulad ng damit na nginatngat ng insekto.
Isaias 50:7-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit hindi ako nakadama ng hiya, dahil tinulungan ako ng Makapangyarihang PANGINOON. Kaya nagmatigas ako na parang batong buháy dahil alam kong hindi ako mapapahiya. Malapit sa akin ang Diyos na nagsasabing wala akong kasalanan. Sino ang maghahabla sa akin? Lumabas siya at harapin ako! Makinig kayo! Ang Makapangyarihang PANGINOON ang tutulong sa akin. Sino ang makapagsasabing nagkasala ako? Matutulad sila sa damit na mabubulok at ngangatngatin ng mga kulisap.
Isaias 50:7-9 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, at talastas ko na hindi ako mapapahiya. Siya'y malapit na nagpapatotoo sa akin; sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin. Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin sila ng tanga.
Isaias 50:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi ko pinansin ang mga pag-insultong ginawa nila sa akin, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang tumutulong sa akin. Handa akong magtiis, sapagkat aking nalalaman na ako'y hindi mapapahiya. Ang Diyos ay malapit, at siya ang magpapatunay na wala akong sala. May mangangahas bang ako'y usigin? Magharap kami sa hukuman, at ilahad ang kanyang paratang. Ang Panginoong Yahweh mismo ang magtatanggol sa akin. Sino ang makapagpapatunay na ako ay may sala? Mawawalang lahat ang nagbibintang sa akin, tulad ng damit na nginatngat ng insekto.
Isaias 50:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)