Isaias 45:5-6
Isaias 45:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba; palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala. Ginawa ko ito upang ako ay makilala mula sa silangan hanggang kanluran, at makilala nila na ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
Isaias 45:5-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ako ang PANGINOON, at wala nang iba pa; maliban sa akin ay wala nang ibang Dios. Palalakasin kita kahit na hindi mo pa ako nakikilala para malaman ng lahat sa buong mundo na walang ibang Dios maliban sa akin. Ako ang PANGINOON at wala nang iba pa.
Isaias 45:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala. Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.
Isaias 45:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba; palalakasin kita, kahit hindi mo ako nakikilala. Ginawa ko ito upang ako ay makilala mula sa silangan hanggang kanluran, at makilala nila na ako si Yahweh, ako lamang ang Diyos at wala nang iba.
Isaias 45:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala, Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.